Ano ba ang 3 Biggest Limitations Ng Mga Network Marketers na Gumagamit pa rin ng Old at Traditional MLM Tactics?

Ito ang mga Limitations ng mga Pinoy Networkers kung bakit mataas ang rate ng mga Hindi Successful sa kanilang Networking Business.

Anu nga ba ang Traditional Way?

  • Pamimigay ng flyers
  • Pamumusakal (kidnapping)
  • Tagging Pictures sa Facebook
  • Kumakausap ng hindi mo kakilala

Kung ganito pa ang ginagawa mo ngayon ay you are doing the traditional way of prospecting method. Kapag ito ang ginagawa mo, nagbibigay ka ng clue o idea sa Prospects mo kung paano nya din gagawin ang business nya. Ito ay kapareho din ng Traditional na paraan.

Sa totoo lang, wala din naman may gustong gumawa ng ganitong bagay.

Isipin mong maige, gaanu kaganda ang strategy na pangungulit at paghabol sa mga kaibigan at kamag-anak mo at ang pag-approach ng mga total strangers o cold market para ebuild ang iyong network marketing business?

 

#1 LIMITATION:

UNQUALIFIED & UNTARGETED PROSPECTS – Dapat nating tanggapin natin ang katotohanan na karamihan sa mga kamag-anak, kaibigan at mga kakilala mo ay hindi interesado mag-umpisa ng sarili nilang business. Siguro masaya na sila sa trabaho nila o sa sitwasyon nila na basta makaraos lang sa pang-araw-araw na gastusin. Baka masyadong play safe at ayaw nilang mag-take ng risk para mag-invest o kaya hindi lang talaga nila nakita ang kagandahan ng industry natin o hindi lang talaga nila naintindihan ang flow ng business.

Hindi mo naman kasalanan na hindi nila nakita ang nakita mo sa Networking industry at unqualified prospects ang mga kakilala mo.

Usually kapag nag-aalok ka ng products o opportunity mo ay 99% of the time ay nagcoconvince ka ng mga taong hindi interesado sa ino-offer mo.

In marketing principle, offering something to people who didn’t show any interest for your product or opportunity.. is a HUGE mistake.

 

#2 LIMITATION:

LACK OF PROSPECTS – Hindi ko alam kung gaano ba karami ang lahat na kakilala mo pero sa totoo lang hindi talaga sapat ang bilang ng kamag-anak, kaibigan at kakilala mo para magbuild ng malaking downline organization.

Maraming networkers ang nag-quit na lang dahil naubusan na sila ng mga prospects. Maaring naalok na nila lahat ng tao sa warm market nila at wala na talaga silang maalok ng opportunity nila kaya nagdecide na lang sila na mag-quit. Kapag cold market (mga hindi kakilala) din naman ay karamihan sa kanila ay kulang din sa training o wlang effective prospecting skills.

Dito iisipin nila na ang may problema ay ang kanilang company, baka dahil sa products, compensation plan o sa management. Ngunit ang katotohanan ay hindi nila nauunawaan na sila mismo ang may problema at ang paraan na ginagawa nila.

Hindi nila naintindihan na ang kailangan nilang gawin ay mag-grow ng kani-kanilang sarili sa pamamagitan ng pag-invest sa sarili nila at pag-aaral ng effective skills sa industry na pinasukan nila.

 

#3 LIMITATION

LACK OF FUNDS ( Walang panggalaw ) – Karamihan sa mga uplines ay hindi sinasabi ito pero kaylangan mo din itong malaman.  Kung Traditional way ang gagamitin mo para mag build ng isang MLM business, kakaylanganin mo ng tuloy-tuloy na budget para panggalaw at pagpapalaki ng network marketing business mo.

Bilangin mo na lang ang pamasahe mo, pinang libre mo sa mga prospects mo sa coffee shops, pakain sa fast foods, mga gastos mo sa mga presentations, pinangbili ng clearbook, flyers, stickers at iba pa.

Dito maraming networkers ang nabuburned-out dahil nauubusan sila ng pera para pondohan at suportahan ang growth ng business nila kaya naubusan sila ng panggalaw.

Ang 3 Limitations na ‘to ang dahilan kung bakit 97% ng mga Filipino Networkers ay hirap na hirap sa kanilang business.

Para  masolve ang mga problema at limitations na ‘to. Ituturo ko sa’yo kung paano mapaparami ang Qualified Prospects mo araw-araw kahit nasa bahay ka lang gamit ang computer or laptop mo, at gamit ang INTERNET. At kapag nagawa mong mai-apply ang mga ideas na ituturo sa’yo ay hindi ka na mangungulit pa at hahabol sa mga prospects mo, dahil this time… IKAW ang lalapitan at kokontakin ng mga prospects mo! You will learn how to become a Magnetic Networker.

Gusto mo bang matutunan kung paano magagawa yun?

Ang tawag dito ay ATTRACTION MARKETING.

Ito ay basically isang strategy na kung saan ipo-posisyon mo ang sarili mo sa Internet as Value Giver at Leader (rather than a Salesman na walang ibang bukambibig kundi ang magbenta at magpromote) para magawa mong makapag-attract ng mga tamang tao sa’yo, at makapag-build ng tiwala at relationship ng mabilisan sa mga target prospects mo.

CLICK HERE TO LEARN MORE.

 

To Your Success,

 

Ken Baysa

Internet Entrepreneur Coach

 

P.S. – May natutunan ka ba? Anong masasabi mo sa post na ‘to? Comment Below and make sure to click LIKE and SHARE.

Leave a Reply