The Truth Why Most Network Marketers Quit in their Business

Madalas marami sa mga Network Marketers ang puro hataw sa una pero habang tumatagal, nahihirapan at nawawalan na ng gana hanggang sa magdecide na lang mag quit. Bakit kaya ganun?

Kapag ika’y nag-uumpisa pa lamang sa iyong business o networking business, lahat ay dumadaan sa tinatawag naming Learning Process o Learning Stage.

Eto ang tanong, sa iyong business gusto mo bang nahihirapan ka? Malamang ang isasagot mo ay Hindi. Para hindi ka mahirapan, dapat mo munang pag-aralan ang ‘yong negosyo bago ka magsimula o humataw.

Sa lahat ng bagay ay kailangan mong pag-aralan o sanayin ang ‘yong sarili para maging mas madali nalang ang ‘yong pagnenegosyo. Halimbawa, may gusto kang lutuing pagkain gaya ng paborito mong ulam. Bago mo mamaster ang pagluto at lasa nito ay dapat mong malaman ang tamang ingredients nito hanggang sa maluto mo at makuha ang tamang lasa. Ganito din sa pagnenetwork, para maiwasan mo ang salitang “I quit”, pag-aralan mo muna ang mga correct ways at strategies sa pagpapatakbo ng ‘yong business at higit sa lahat alamin mo ang lahat tungkol sa company at products mo para hindi ka mahirapan.

Dapat tuloy-tuloy ang ‘yong pag-aaral hanggang sa mamaster mo ito at madali nalang ‘tong gawin. Araw-araw ay mayroon kang matututunan kapag gusto mo talagang matuto.

“Every Successful Person is a lifelong Student of Success.”

Merong tao kapag nag quit na sa Networking nila, bumabalik sa pagiging empleyado dahil sa nahihirapan sila. Ito ang madalas nangyayari.
Di ba kapag nag-aaply ka, kailangan mong aralin ang trabaho mo para matanggap ka?
Di ba kailangan mong gawin at sipagan para hindi ka mapatalsik sa trabaho mo?

Ganun din sa Network Marketing, kailangan mong Aralin, Gawin at Sipagan para ka kumita. Ang maganda lang dito ay may Time Freedom ka, hawak mo oras mo at higit sa lahat wala kang boss na magdedemand kung ano ang gagawin mo. At ang magiging kita mo sa business mo ay nagsisilbing bayad kung paano mo inaral, sinipagan at ginawa ang business mo.

Sa pagiging empleyado, di ka pa nakaabot sa edad na 60, iniisip na ng boss mo kung paano ka niya patatalsikin sa trabaho mo o pagdating mo sa edad na yan, sasabihin lang ng boss mo ay “Your Out!”.

Kaya wala kang choice kundi aralin mo muna ang business para maiwasan mo ang pagsabi ng “i quit” at pagbalik sa pagiging empleyado. Kapag natutunan muna lahat, tinarabaho mo, sinipagan mo, wala ka ding Choice kundi kikita at kikita ka sa industriyang ito.

“The Richest people in the World look for and build NETWORKS. Everyone else looks for a JOB.” – Robert Kiyosaki

P.S. – May natutunan ka ba sa post na ‘to? Click the LIKE button and COMMENT your opinion. I will be glad to know it. Thank you!

PSS. – Kung Gusto mong mapanood ang NEW Training-Serye na magagamit mo sa pagpapalaki ng grupo at income mo sa networking business mo. JUST CLICK HERE.

 

Ken Baysa

Internet Entrepreneur Coach

Leave a Reply