Good Pusher or Bad Pusher ka ba?

Naranasan mo na bang may ibang taong nag-pushed sa’yo na gawin ang isang bagay na akala mo ay hindi mo magagawa?

Pero nagawa mo pa rin ‘to dahil napush ka at naniwala?

Gusto kong eshare ang magandang story na ‘to sa’yo…

May isang ubod ng yaman na matanda, gusto niyang makita ang kaisa-isahang anak n’yang babae na ikakasal.

Ang problema ay ang anak n’ya ay wala man lang boyfriend o suitor.

Kaya ang ginawa ng matandang ama, gumawa s’ya ng paligsahan para makuha ang perfect match para sa maganda n’yang anak.

Naglagay s’ya ng mga posters at ipinost sa buong baryo nila pati na rin sa facebook at ibang social media. 🙂

Ang nakalagay ay kung sino ang mananalo ay makakatanggap at makakapili ng malalaking prizes.

At ito ang nakalagay sa poster:

10 Million Pesos

10 Hectares of Land

Or Chance to Marry her daughter

Sa araw ng competition, lahat ng klaseng lalaki andun. May matipuno, gwapo, panget, bata, matanda, may ngipin man o wala. 😀 Basta lahat ng pwede ay sumali sa paligsahan.

“Makinig kayo.” sabi ng mayamang matanda. “Kung sino man sa inyo ang makakatawid sa ilog na ‘to at mananalo ay makakapili sa mga gantimpala na pinost ko.”

Lahat ay punong-puno ng excitement. Ang iba ay gustong-gusto ng tumalon agad para makuha na nila ang premyo.

“Sandali lang, ‘Wag excited!” Sabi ng matandang mayaman. “Warning ko lang kayo na ang ilog na ‘to ay hindi ordinaryo. May iba’t ibang mababangis na hayop na andyan. May pating, piranha, buwaya, ahas at iba pa.”

Lahat ng excitement nila ay naputol sa sinabi ng matanda. Sabi ng iba..”Napaka-attractive nga ng prizes pero patay naman tayo.”

Habang ang iba ay paalis na, may lalaking biglang tumalon sa ilog. Nashocked ang mga hayop dun. 😀 Agad-agad namang hinabol ng mga ahas, piranha, pating, buwaya ang lalaki.

Habang lumalangoy ng mabilis ang lalaki… May ibang nagche-cheer sa kanya. “Kaya mo yan!” May iba naman.. “Sige, pakamatay ka!”

Laking gulat ng lahat nung nagawang makatawid ng lalaki sa ilog ng ligtas.

Pinuntahan agad ng mayamang matanda ang lalaki dahil excited na excited s’yang malaman ang pipiliing premyo ng lalaki.

Kaya tinanong n’ya ang lalaki..”Kaibigan, ano ang gusto mong premyo?”

Hindi sinagot ng lalaki ang tanong habang hinahabol ang kanyang paghinga.

Dahil excited ang matanda, tinanong ulit n’ya ang lalaki… “Gusto mo ba ng 10 Million Pesos?”

“Hindi po.” Sagot ng lalaki.

“Gusto mo ba ng 10 hectares na lupa ko?” Tanong ulit ng mayamang matanda.

“Hindi rin po!” Sagot ulit ng lalaki.

Napaisip ang mayamang matanda. “Finally, nakita ko na ang lalaking mapapangasawa ng maganda kong anak.”

Kaya tinanong n’ya agad ang lalaki..

“Gusto mo bang mapangasawa ang anak ko?”

Nasurprised ang lahat sa naging sagot ng lalaki sa matanda. “Hindi po!”

Nashocked at nainsulto ang matanda. Pagalit n’yang tinanong ang lalaki.. “Anu ba  ang gusto mo?”

Habang hinahabol pa rin ng lalaki ang kanyang paghinga sabay sagot.. .

“Gusto ko lang po malaman kung sino ang nagtulak sa akin!” 😀

Nakakatawa pero alam mo ba kung bakit wala s’yang pinili sa kahit anong mga rewards?

It’s because knowing who pushed him was more important to this man. The man who pushed him was responsible for causing him to achieve na akala n’ya ay imposibleng mangyari sa kanya.

One thing is for sure. Ang klase ng buhay na meron ka ngayon, whether good or bad, is the consequence of the fact that you allowed someone to push you!

“You cannot push anyone up the ladder unless he’s willing to climb.” – Andrew Carnegie

The question is: Do you have a good pusher or bad pusher?

Ang pusher mo ba ay nagpapalabas ng potential mo towards success, happiness and significance, or nililimitahan n’ya ang potential mo?

Remember: What you have accomplished so far is just a fraction of your potential.

I hope may natutunan ka sa article na ‘to. Please Leave a comment and Share this story to your friends.

 

To Your Success,

14801216_10209390266927444_503290962_n

 

 

Internet Entrepreneur Coach

Leave a Reply