3 Steps How to Handle Objections

Napakaraming paraan para masagot ang mga objections na ibinabato sa’yo ng mga prospects mo. Isa sa mga natutunan ko at ituturo ko sayo na strategy ay napakasimple at napakadaling paraan para magawa mong ma-handle ang ilan sa mga common objections.

Isa sa magandang paraan ito para sa mga nagsisimula pa lang sa network marketing. Ito ay ang 3 Steps Strategy na natutunan ko at ang tawag dito ay Ta-Ki-Kwe. Hopefully na madali mo ‘tong matatandaan na strategy. 🙂

Ta – Ki – Kwe
Ang ibig sabihin nito ay…

Step 1: Ta-nong – Alamin mo kung anong reason ng objection sa pamamagitan ng pagtatanong.

Step 2: Ki-nig – Makinig ka sa mga sagot nila kung ano ba talaga ang totoong dahilan ng kanilang objections.

Step 3: Kwe-nto – Handling or pagsagot ng objections sa pamamagitan ng paggamit ng kwento/ Analogy / 3rd Person Testimonial.

Step 1: Identify the Reason of Objection by Asking Question

Ang unang strategy na ‘to ay napakasimple. Aalamin mo lang kung ano ba ang tunay na ugat ng kanilang objection sa pamamagitan ng pagtatanong.
Simple lang ang strategy na ‘to di ba? Pero wala ang gumagawa o konti lang dahil walang nagtuturo. Karamihan kasi sa mga network marketers kapag may mga objections halos dinedepensahan kaagad nila yung mga objections.

Kapag naging defensive ka, nagmumukang parang kino-convince mo sila at siguradong hindi ito magwowork.

Kailangan mo lang alamin muna kung anong reason ng kanyang objection at kapag nalaman muna ay magkakaroon ka ng idea kung paano mo maiha-handle ng tama ang objection na iyun.

The best way to answer an objection is to answer it with a question.
Question the objection. Sa madaling salita, tanungin mo kung anu ang tanong nila. Sa ganoong paraan mas madali mo ng malaman kung bakit niya naitanong ang ganoong objection.

Ito ang isang example kung paano m iaapply ang Ta-Ki-Kwe strategy:
Prospect: Scam ba yan?

Tanong:
Ikaw: Curious lang ako, bakit mo naitanong kung scam ba ‘to?
Tapos antayin mo yong isasagot nila. Kapag sumagot na sila, susunod mong gagawin ay Step 2…

Step 2: Listening to their Answers
Kung nadadalian ka sa Step 1 na naituro ko, mas madali ang Step 2.
Makikinig ka lang. Pakikinggan mo lang yung sagot ng prospect mo doon sa itinanong mo sa kanya. Pero kaylangan mong makinig ng mabuti sa isasagot nila para magkaroon ka idea kung paano mo sasagutin yung objection ng tama.

Pwedeng ganito ang isasagot mo sa prospect mo.

Kinig:
Prospect: Ang dami kasing nababalita sa TV na mga scams eh..
Kapag napakinggan muna ang sagot niya, next is Step 3..

Step 3: Handling the Objection By Education/Telling a Story/Analogy
Isa sa mga napaka-effective na paraan para mai-handle ang objection sa pamamagitan ng pagkwento ng isang istorya na makakasimpatya sa prospect mo o kaya kwento na makakarelate sa kausap mo.

For example ay ang Scam o Pyramiding objection. Madalas ito ang dahilan kung bakit lagi itong itinatanong dahil dahil natatakot sila na maloko o mabiktima ng scam. Kailangan mo munag makisimpatya sa concern ng prospect mo.
Kwento:

Ikaw: “I understand you Prospect Name. Sa totoo lang, noong unang pinakita ito sa akin ang business, ganyan din ang iniisip at akala ko. Akala ko dito ay scam talaga. Ang dami ko kasing nadidinig sa mga balita na madami na daw ang sumusulpot na scams sa panahon ngayon.

Makikisimpatya ka muna na pareho kayo ng concern dati. (ang totoo nyan ay akala ko din dati sa networking o MLM ay scam)

Pero narealize ko na wala naman palang mawawala kung titignan at aaralin ko ng mabuti kung totoo nga ito. Malay ko ba kung totoo. Kaya ang ginawa ko.. inaral ko ng maige kung scam ba ang business na ‘to. Buti na lang inaral ko dahil kung hindi, hindi ako sana kumikita ngayon.

 

To Your Success,

 

Ken Baysa

Internet Entrepreneur / Online Coach

 

P.S. – May natutunan ka ba? Anong masasabi mo sa post na ‘to? COMMENT Below and make sure to click LIKE and SHARE.
P.P.S. – Kung gusto mong matutunan kung paano ka makakapag-attract ng mas maraming Prospects sa Business mo, watch our FREE Training Video for you.

Just Click the link below:
===> MILLIONAIRE MASTERPLAN TRAINING 

 

Leave a Reply